Hindi tumitigil ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagsusulong ng iba’t ibang proposal sa ASEAN Higher Education Ministers upang mas mapalakas pa ang sektor ng higher education hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong ASEAN.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay CHED Chairperson, Dr. Shirley Agrupis binigyang-diin niya na naging mabunga ang mga nagdaang pagpupulong ng ASEAN Higher Education Ministers kung saan naging sentro ang ASEAN Global Exchange for Mobility and Scholarships.
Ibinida rin ni Agrupis ang tatlong major proponent proposals na inaprubahan ng ASEAN Higher education Ministers, ito nga ay ang ASEAN Ministerial Statement on Access to Quality Higher Education through Digital Transformation and Sustainability o common digital platform para sa lahat ng ASEAN students.
Ang ASEAN Centre of Excellence for Teacher Education and Development o ACTED na isang plataporma naman para suportahan ang professional development, policy research at educator mobility at ang ASEAN GEMS Plus na tututok naman sa undergraduate scholarships ng mga ASEAN student.
Tiniyak din ng CHED, na ilan pang mahahalagang usapin ang ilalatag kasama ang Higher Education Ministers ng ASEAN kasunod ng nalalapit na ASEAN Summit sa Nobyembre.