Mainit ang naging pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa apat na non-resident envoy na itinalaga sa Pilipinas.
“And I look forward to building even more bridges and bringing our countries even closer in the time that you are with us,” ani Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga ito si Jordan Ambassador His Excellency Nasser S.H. Shraideh, Chad Ambassador His Excellency Abakar Saleh Chahaimi, Fijian Ambassador His Excellency Ratu Isoa Delamisi Tikoca, at Burundi Ambassador His Excellency Telesphore Irambona.
“Once again, welcome to the Philippines, and I look forward to the work that we will do to deepen the relations between Burundi and the Philippines,” pagbati ng Pangulong Marcos.
Ibinaabot ng mga ambahador ang pagbati ng pinuno ng kanilang bansa para sa Republika ng Pilipinas, kasabay ng pagkilala sa kanilang kooperasyon sa Pilipinas, mapa-usaping pang-ekonomiya man, depensa, edukasyon, at iba pa.
“It is a long way from your country to mine, but we will not allow physical distance to get in the way of bringing our countries closer together in the many opportunities that present themselves in this new modern world that we are facing,” tugon ng Pangulo.
Sa panig naman ni Pangulong Marcos, nagpahayag ito ng kumpiyansa na gagampan ng malaking papel ang mga ambahador para sa pagbubukas ng mas marami pang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at mga bansa na kanilang kinakatawan.
“I look forward to the time that you will be spending with us and make that time productive and constructive to find ways to bring our countries closer, to make our relations deeper,” pahayag ng Pangulong Marcos.


