Iginiit ng House prosecution panel na mananatiling matibay ang mga ebidensiyang iniharap nila laban kay Vice President Sara Duterte, personal man itong tumestigo o hindi sa impeachment trial sa Senado.
Ayon kay House prosecutor Terry Ridon, dapat suriin ng senator judges ang mga dokumento at testimoniyang isinumite ng prosecution batay sa kanilang merito, at hindi ibatay sa desisyon ng bise presidente kung haharap ito sa witness stand.
Umaasa rin si Ridon na masasagot ng defense panel ang bawat alegasyon at ebidensiyang iniharap laban kay Duterte, partikular ang mga kuwestiyonableng transaksiyon at ari-ariang hindi umano naideklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Walang kumpirmasyon mula sa defense panel kung personal na haharap si Duterte para tumestigo.
Gayunman kung ibabatay aniya sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 78 porsiyento ng mga adult Filipino ang nagsabing mahalagang personal na tumestigo si Duterte sa paglilitis.