Bahagya pang bumilis ang inflation sa bansa nitong Oktubre 2026 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa ulat ni PSA National Statistician at Usec. Dennis Mapa, umakyat sa 7.8% ang inflation nitong Oktubre mula sa 7.2% na naitala noong Setyembre.
Pangunahing nagtulak dito ang mas mabilis na galaw sa transport inflation kasunod ng ipinatupad na taas-pasahe, pagtaas sa presyo ng gasolina at mataas na pamasahe sa bus.
Nakadagdag din sa inflation ang mabilis na taas-presyo sa LPG at renta sa bahay. Isa pa sa nakaambag ang pagtaas ng inflation sa restaurant at cafes.
Samantala, nakapagtala naman ng mas mababang inflation ang isda at gulay gayundin ang manok at itlog.
Samantala, sa Metro Manila, umabot din sa 5.9% ang inflation mula sa 5.3% noong Setyembre, bunsod ng pagtaas ng pamasahe.