Aarangkada na sa darating na November 10 ang voters registration para sa darating na 2028 National and Local Elections.
Sa panayam ng programang Boses kay COMELEC Chairperson Atty. George Erwin Garcia, sinabi niyang tatagal ito hanggang July 30, 2027.
Kabilang naman sa mga target ng komisyon ay ang makapagtala ng dagdag na tatlong milyong botante sa isasagawang voter’s registration na sadyang napaaga dahil sa hindi natuloy na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ilan pa sa inaasahang aktibidad sa ilalim ng nasabing registration period ay ang reactivation ng voter’s status, paglilipat ng presinto, at pagbabago sa voter’s data.
Hinimok din ng COMELEC ang mga kabataan na samantalahin ang mahabang voter’s registration period upang sila ay makapagparehistro at makadagdag sa bilang ng mga botanteng Pilipino.
Magkakaroon din ng satellite at mall registration ang COMELEC upang maging mas madali sa publiko ang pagpapa-rehistro.
Magsisimula ang registration ng alas-8 ng umaga na tatagal hanggang alas-5 ng hapon, araw-araw.