Binigyang-diin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na bukod sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ay aktibo at maaari ring i-avail ng mga Pilipino ang Pag-abot Program.
Sa ilalim kasi ng Pag-abot program ay tinutulungan ng DSWD ang mga kuwalipikadong benepisyaryo na makabalik at makauwi ng kanilang probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karampatang ayuda at transportation allowance.
Nabanggit ito ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao dahil posibleng ang ilan sa mga apektado ng tigil-operasyon ng kanilang hanapbuhay at negosyo sa Pasay at Parañaque ay maaari nang magpasyang umuwi ng probinsya at doon mamuhay.
Dadan pa rin naman sa assessment ang mga nais mapabilang sa Pag-abot program gayundin ay hindi sila pababayaan ng pamahalaan hanggang sa makauwi sila sa kani-kanilang probinsya.
Gayundin bibigyan pa rin naman ng karampatang ayuda ang sinomang matutukoy na pasok sa nasabing programa.