Pagsusulong sa mga proyektong may benepisyo sa pamilyang Pilipino nasentro ang ika-12 pulong ng Economy and Development Council (EDC) na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo.
Kabilang sa napag-usapan ang pagpapatatag sa suplay ng kuryente partikular sa Mindanao sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng Agus-Pulangi hydropower facilities.
Napag-usapan din ang pagkumpleto sa mga ginagawang natitirang pumping stations sa ilalim naman ng Metro Manila Flood Management Project habang kasama din sa agenda ang development ng Samal Island-Davao City Connector Project.
Parte rin ng pulong ang pagtalakay sa Project Balay na magbibigay ng ligtas at abot-kayang dormitoryo sa limang state universities, lalo na para sa mga estudyanteng benepisyaryo ng 4Ps.
Napag-usapan din ang panukalang Executive Order para sa pagpaplano ng paggamit ng lupa ng mga lokal na pamahalaan, kabilang ang pangangalaga sa mga agricultural lands.
📸 PCO

