Welcome kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung may magsalita man hinggil sa red flag na napapansin sa binabalangkas pa ding 2027 national budget.
Tugon ito ng Palasyo sa harap ng ginawang paghahain ng resolusyon ng Makabayan bloc para i-recall ang 2027 budget dahil sa umano’y dami ng prohibited lumpsums at secret amendments.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bukas ang lahat para ipahayag ang anomang kuwestiyon sa pambansang pondo sa harap na din ng pagnanais mismo ng Pangulo na matiyak na ito ay maayos, malinis, at pondong magagamit para sa taumbayan.
Kung anuman ani Castro ang nakikitang mga red flags na dapat tanggalin ay tiyak na ito’y masusuri at nauna na din aniyang nagsabi ang Senado na ito ay kanilang aaralin.
Pagbibigay-diin ni Castro, proposed budget ang isinagawa ng Ehekutibo at kung anuman ang nangyari at naging desisyon sa House of Representatives ay hindi na ito saklaw ng Pangulo.