Photo courtesy of Senate of the Philippines
Hiniling ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero sa testigong si Atty. Suzette Balucanag-Punay na magsumite ng mga dokumentong magpapaliwanag kung bakit tumanggap si Vice President Sara Duterte ng tinatayang dalawang milyong pisong bayad mula sa GenCorp mula 2022 hanggang 2025.
Kinuwestiyon ni Escudero kung ano ang pinagbatayan ng mga bayad kay VP sara, gayong hindi naman ito stockholder ng Great Jolly Times Food Corporation, Times Square B Foods Corporation at GenCorp, batay sa kanilang Articles of Incorporation.
Hindi rin aniya pag-aari ng Davao Bounty ang Jollibee franchise sa Times Square o ang inuupahang lugar ng naturang branch. Paliwanag ni Punay, maaaring kontribusyon ni VP sara bago nagsimula ang operasyon ng Great Jolly Times ang pinagmulan ng bayad.
gayunman, inamin niyang hindi niya matukoy nang tiyak kung ano ang batayan ng mga perang natanggap ng bise presidente.
Sinabi rin ni Punay na hindi siya batid kung may iba pang naunang bayad kay Duterte mula sa Great Jolly Times at Times Square.
Dahil dito, iginiit ni Escudero na kailangang linawin kung bakit patuloy na tumatanggap ng pera si VP sara mula sa isang pribadong korporasyon kaugnay ng negosyong nagsimula pa noong 2007, gayong hindi nito pagmamay-ari ang prangkisa o ang inuupahang lugar.
Kaya naman hiningi niya ang mga dokumentong magpapatunay sa pinagmulan at layunin ng mga bayad para maipakitang hindi ito ilegal o lumalabag sa batas.Sumang-ayon si Punay at hiniling din ang pagpapalabas ng subpoena para sa mga kinakailangang dokumento.