Kabuuang 1,154 magsasaka ng palay sa Isabela ang tumanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Program.
Umabot sa P6,58,500 ang kabuuang halaga ng ayuda ang ipinamahagi, kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P5,250.
Isinagawa ang pamamahagi matapos magdeklara ng State of Calamity ang pamahalaang panlalawigan dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon sa DSWD, nagdulot ang matinding tagtuyot ng pagkalugi sa produksyon ng agrikultura at nakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Sa kabuuang bilang ng benepisyaryo, 883 ang mula sa Naguilian, 137 sa Reina Mercedes at 134 sa Gamu.