Binigyang-diin ni United Nations (UN) Secretary-General António Guterres nitong Lunes, November 16, 2026, na patuloy na pinaninindigan ng UN ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang mahalagang pundasyon sa nagpapatuloy na negosasyon sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China para sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
Ayon kay Guterres, bagama’t may ilang bansa na hindi kumikilala sa naturang kasunduan, nananatiling matatag ang posisyon ng UN sa pagtataguyod nito.
“As you know, several countries do not recognize the Convention on the Law of the Sea. We, as the United Nations, of course, stand for UNCLOS and we consider that it is very important to have a successful negotiation of the COC that is being conducted at the present by ASEAN with China,” pahayag ni Guterres.
Dagdag pa ng pinuno ng UN, napakahalaga na maging matagumpay ang kasalukuyang pag-uusap ng ASEAN at China upang masiguro ang kaayusan at paggalang sa pandaigdigang batas sa karagatan.