Pinirmahan na ng ASEAN Economic Ministers ang Digital Economic Framework Agreement (DEFA) nitong Nobiyembre 14 kaalinsabay ng 49th ASEAN Summit at Related Summits.
Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasama si Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque, na siya ring tumatayong ASEAN Economic Community Council Chair ang nag-abot ng dokumento kay ASEAN Secretary General Dr. Kao Kim Hourn sa isang pormal na seremonya sa pagbubukas ng nasabing Summit.
Ayon kay Geopolitical Expert, Dr. Dindo Manhit, magbibigay ang DEFA ng oportunidad para sa mga small and medium enterprises sa mga ASEAN member countries kabilang na ang Pilipinas na lumago sa ilalim ng isang digital economy.
Inaasahan naman na pagtitibayin ang DEFA sa ilalim ng termino ng Singapore bilang Chair ng ASEAN sa taong 2027.
Panoorin ang bahagi ng pahayag ni Dr. Manhit sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/989687467543279