Photo courtesy of ASEAN PH 2026
Kinilala ng United Nations (UN) ang Pilipinas bilang isang “pillar of multilateralism” para sa makabuluhang pakikibahagi nito sa UN sa gitna ng pandaigdigang hamon.
Naganap ito sa pag-uusap nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at UN Secretary General Antonio Guterres sa sideline ng 49th ASEAN Summit, kaugnay sa pagsusulong ng international law, peace and security at climate action.
Ibinahagi rito ni Pangulong Marcos ang katatapos lamang na BARMM elections at inilarawan bilang matagumpay na peace process.
Dito rin muling tiniyak ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas sa pagpapalakas ng kooperasyon sa UN at international community sa pagtugon sa mga hamon sa daigdig.
Pinasalamatan naman ni Guterres ang Pilipinas sa mga gampanin nito para pangalagaan ang mundo.