Nagbabala ang National Council on Disability Affairs (NCDA) laban sa mga ilegal na panghihingi ng donasyon ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa NCDA, wala silang isinasagawang anumang fundraising o donation drive para sa mga Persons with Disability.
May mga indibidwal umanong gumagamit ng pekeng ID at dokumento upang manghingi ng pera, pagkain, at iba pang donasyon sa publiko.
Binigyang-diin ng NCDA, na ang kanilang mga programa ay pinopondohan ng pamahalaan at ipinapatupad ng mga awtorisadong kawani.
Paalala rin na kailangang magkaroon ng kaukulang permit mula sa DSWD bago magsagawa ng anumang charitable solicitation.
Hinikayat ang publiko na i-report ang mga kahina-hinalang solicitation sa NCDA, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), o lokal na PDAO.