Umabot na sa 259 na gasolinahan sa buong bansa ang binigyan ng show cause order o pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DOE) dahil sa hindi pagsunod sa oil price rollback.
Sa isang press conference ayon sa DOE kung mapapatunayan na talagang nilabag ng mga gasolinahan ang price adjustment posibleng suspendihin ang kanilang Certificate of Compliance (COC).
Nakadepende naman sa mga lokal na pamahalaan kung tuluyan ding ipapasara ang mga gasolinahan kapag wala na itong COC.
Matatandaan na sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, mula nang nagkaroon ng malakihang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo nitong Nobyembre marami na ang umaaray na mga gasolinahan, at hindi nakakasunod sa itinakdang presyo ng gobyerno. Pero binigyang diin ng DOE dapat sumunod ang lahat sa nilalabas na price adjustment ng pamahalaan.