Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na panahon na upang aksyunan ng Court of Appeals ang mga nakabinbing apela kaugnay ng karumal-dumal na krimen na ikinasawi ng 58 katao, kabilang ang maraming mamamahayag.
Sa ambush interview, binigyang-diin ni Justice Undersecretary Raul Vasquez ang mahalagang papel ng media sa pagpapanatili ng maayos na pamamahala at paghahatid ng katotohanan sa publiko.
Ayon kay Vasquez, nagsisilbing tulay ang mga mamamahayag upang malaman ng pamahalaan ang mga nangyayari sa mga komunidad, partikular sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.
Dahil dito, mahalagang mabigyan sila ng sapat na proteksyon upang malaya nilang magampanan ang kanilang tungkulin.
Kahapon, ginunita ang ika-17 anibersaryo ng Ampatuan Massacre, kung saan nanawagan din si Chief Justice Rodil Zalameda sa Court of Appeals na agad resolbahin ang mga nakabinbing apela, alinsunod sa due process at paggalang sa karapatan ng lahat ng panig.