Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGEN Allen Rae Co, magbibigay ng tulong ang pulisya kung kakailanganin kasama ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno.
“We will be providing if the need will arise. Normal naman nakikita po natin ang inyong Philippine National Police palagi pong together in partnership with other local government units, ‘yung other government agencies, mayroon po tayong binibigay na libreng sakay,” ani Co.
Mag-a-adjust din ang PNP sa deployment nito para matugunan ang anumang epekto ng tigil-pasada sa araw-araw na biyahe ng publiko. Pinalawig naman ng grupong Manibela ang kanilang tigil-pasada at kilos-protesta sa Metro Manila hanggang bukas, Miyerkules, November 25.