Photo courtesy of Office of Cybercrime
Mas pinaigting ng Department of Justice (DOJ) ang panawagan sa mga bansang kasapi ng ASEAN na unahin ang pag-iwas sa karahasan laban sa mga bata sa halip na umasa lamang sa pagpapatupad ng mga batas.
Binigyang-diin ni DOJ Assistant Secretary Michelle Anne Lapuz ang kahalagahan ng pagbabago sa kultura at pananaw ng mga komunidad upang mas maprotektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso.
Ito ang naging mensahe ni Lapuz sa 2nd Global Ministerial Conference on Ending Violence Against Children na ginanap sa Pasay City noong Nobyembre 19.
Ayon kay Lapuz, mahalagang palakasin ang pagtutulungan ng mga bansang ASEAN upang matugunan ang mga bagong banta sa kaligtasan ng mga bata, kabilang ang karahasang gumagamit ng teknolohiya at mga panganib na tumatawid sa hangganan ng mga bansa.
Binigyang-diin din ang pangangailangang pagtibayin ang papel ng pamilya at komunidad sa pagpigil sa karahasan.
Samantala, nanawagan si DOJ Secretary Fredderick A. Vida sa mga bansang ASEAN na palakasin ang kanilang koordinasyon upang tuluyang wakasan ang karahasan laban sa mga bata.