Nakatakdang talakayin ngayong Nobyembre 24 sa Manila Prince Hotel ang mga hakbang upang mapalakas ang proteksyon sa mga batang biktima ng pang-aabuso, pagpapabaya, pagsasamantala at diskriminasyon.
Kabilang sa programa ang pagtalakay sa binagong protocol sa paghawak ng mga kaso ng mga batang biktima, na pangungunahan ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Majken Anika Gran-Ong.
Nakatakda ring magbigay ng mensahe si DOJ Secretary Fredderick Vida at Commission on Human Rights Commissioner Beda Epres.
Ilalahad naman ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang kalagayan ng mga batang Pilipino, partikular ang mga nangangailangan ng espesyal na proteksyon.
Tampok din ang KALINGA program na naglalayong palakasin ang mga sistema ng proteksyon sa mga bata laban sa maaga at sapilitang pag-aasawa.
Kabilang sa mga tagapagsalita ang mga kinatawan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang naturang summit ay tatagal hanggang Huwebes, November 26, 2026.