Patuloy na sinisiguro ng Department of Energy (DOE) na nakahanda ang bansa sa banta ng very strong El Niño sa susunod na taon.
Katunayan sa isang press conference, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na sa unang bahagi ng 2027 ay may darating nang karagdang mapagkukuhanan ng suplay ng kuryente.
Kabilang dito ang pagdaragdag ng mga baterya, mas maraming emergency power, renewable energy, at energy conservation.
Giit pa nga ni Garin, inaayos na ang pagde-deploy ng power barges sa ngayon na magbibigay ng dagdag na 268 megawatts na suplay ng kuryente sa bansa. May mga baterya din na idadagdag sa mga solar power plant upang makapag-imbak ng kuryente sa umaga at hindi magkaroon ng problema sa suplay sa gabi.
Hinihikayat naman ng DOE ang publiko kung maaari ay magtipid sa kuryente at maghanda rin para sa El Niño.