Umaasa si Deputy Speaker Janette Garin na makukumbinsi pa rin ng mga abogado ng depensa si Vice President Sara Duterte na personal na humarap at tumestigo sa impeachment court upang sagutin ang mga alegasyon ng unexplained wealth laban sa kanya.
Ayon kay Garin, ang Bise Presidente ang nasa pinakamainam na posisyon upang ipaliwanag ang mga hindi nagtutugmang financial records na inilatag ng House prosecution.
Nakikisimpatya din aniya sa sa depensa dahil batid niyang mahirap para sa kanilang panig na sagutin ang mga magkakasalungat na numero sa mga dokumento.
Ayon naman kay Deputy Speaker Jay Khonhun, tila nauubusan na ng paliwanag ang depensa at bumabaling na lamang sa paghingi ng simpatya ng publiko.
Kaya naman pinakamainam aniya na ang Bise President ang humarap para mabigyang linaw ang lahat ng alegasyon laban sa kaniya.