Balik-normal na ang operasyon sa Iloilo International Airport matapos makumpleto ang emergency repair sa bahagi ng runway nito kahapon, November 24.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, pansamantalang nasuspinde ang ilang arriving at departing flights dahil sa pinsala sa semento ng runway.
Humingi ng paumanhin si CAAP Director General Retired Lieutenant General Raul Del Rosario sa abalang idinulot nito sa mga pasahero, at iginiit na pangunahing prayoridad pa rin nila ang kaligtasan sa paglipad.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang asphalt overlay project sa paliparan.
Tapos na ang Phase 1 nito, habang nai-issue na rin ang Notice to Proceed sa contractor para sa Phase 2 na sasaklaw sa natitirang bahagi ng runway upang maiwasan ang kaparehong insidente.