Puspusan ang pagpapalakas ng Pilipinas sa air assets nito na magagamit hindi lamang sa panahon ng digmaan kungdi maging sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga Pilipino.
Sa kaniyang pagbisita sa Cebu, sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na target nilang bumili ng anim na bagong Boeing CH-47 Chinook helicopters sa ilalim ng financing package buhat sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng $2 bilyon.
Ayon kay Teodoro, nakapagsumite na sila ng request sa mga kinauukulang ahensya gayundin sa Kongreso inaasahang darating sa bansa sa 2029.
Ito na aniya ang pinakamabilis na procurement kumpara sa lima hanggang anim na taon kung walang waiver na pipirmahan dito.
Samantala, nilinaw ni Teodoro na ang mga bibilhing Chinook helicopter ay hindi pamalit sa Huey helicopters na una nang niretiro ng Armed Forces of the Philippines bagkus ay dagdag ito sa defense capability ng bansa.