Naging mapayapa ang ikatlong araw ng tigil-pasada ng grupong Manibela, ngayong araw.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brigadier General Allen Rae Co, walang naitalang anumang untoward incident o major incident at wala ring naiulat na stranded na mga pasahero.
Dalawang araw lang sana ang tigil-pasada, pero pinalawig ito ng grupo hanggang ngayong November 25.
Hindi na rin aniya natuloy ang nakatakdang kilos-protesta dahil sa pag-ulan, pero itinuloy pa rin ang tigil-pasada.
Umabot naman sa halos 500 na tauhan ang ipinakalat ng PNP, kasabay ng Libreng Sakay na nakatulong sa mahigit 1,800 commuter.