Nanindigan si Transportation Secretary Vince Dizon na dapat magpatuloy ang mga repormang sinimulan sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sa pulong balitaan sa Land Transportation Office (LTO), sinabi ni Dizon na kailangang wasakin ang bulok na sistema upang matugunan ang matagal nang problema sa korapsyon.
Ayon sa kanya, hindi agad maisasakatuparan ang reporma dahil isa itong mahaba at tuloy-tuloy na proseso.
Anuman, kailangang simulan ang pagbabago at huwag hayaang manatili ang mga dating kalakaran.
Bilang pinuno ng Department of Transportation, hamon kay Dizon na ipagpatuloy ang mga reporma sa sektor ng transportasyon.
Layon nitong mapabuti ang serbisyo at maramdaman ng publiko ang tunay na pagbabago.