Pinalalakas ng mga Pilipinong mamamahayag ang environmental journalism sa bansa sa pamamagitan ng mga dokumentaryong tumatalakay sa epekto ng polusyon, pagkasira ng kalikasan at climate change sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Sa CFI Forum sa France, ibinahagi ang mga dokumentaryong gawa ng PBS-BBS na nagwagi sa CFI Terra Asia competition, na layuning gawing mas madaling maunawaan ng publiko ang mga isyung pangkapaligiran.
Tinalakay ng mga kinatawanan mula sa PBS ang mga kwentong Pilipino bilang bahagi ng pagkilos laban sa climate change at pangangalaga sa kalikasan.
Ibinahagi rin sa forum na mahalagang gumamit ng simple at makataong pamamaraan ng pagkukuwento upang mas maabot ang publiko.
Binigyang-diin sa talakayan na hindi lamang dapat nakatuon sa mga kalamidad ang environmental reporting, kundi maging sa mga pangmatagalang solusyon at pagbabagong maaaring gawin ng bawat Pilipino.
Bahagi ang talakayan ng dalawang araw na CFI Forum sa France na naglalayong palakasin ang ugnayan at palitan ng kaalaman ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa.