Photo courtesy of Rep. Sarah Elago Facebook
Malamig si Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago sa ideya ni Senator Alan Peter Cayetano na magbigay ng boluntaryong kontribusyon ang mga Pilipino upang makatulong sa pagbabayad ng pambansang utang.
Ayon kay Elago, hindi dapat umasa ang pamahalaan sa donasyon ng mamamayan para bayaran ang utang na umabot na sa ₱19.66 trillion.
Sa halip, dapat maipakita kung saan ito ginagastos at kung tunay bang napapakinabangan ng mamamayan.
Tanong ng kinatawan, bakit patuloy ang pangungutang ngunit kulang naman ang batayang serbisyo.
Hirit niya, mas mainam na buwagin na lang ang mga regresibong buwis tulad ng 12% value-added tax (VAT) na nagpapabigat sa gastusin ng ordinaryong Pilipino.
Dapat na rin aniya ipasa ang Presyo Ibaba Bill upang alisin ang VAT sa basic goods and services at tanggalin ang excise tax sa langis.