Sinimulan ni bagong Maritime Industry Authority o MARINA Administrator at Undersecretary for Maritime Markus Lacanilao ang kanyang panunungkulan sa pamamagitan ng pag-iinspeksyon sa mga tanggapang nangangasiwa sa frontline services ng ahensya.
Kabilang sa sinuri nito ang proseso ng pagproseso ng mga dokumento, aplikasyon, lisensya at iba pang transaksyon ng mga marino.
Ayon kay Lacanilao, alinsunod ito sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Transportation Secretary Vince Dizon na higit pang pagbutihin ang serbisyo para sa mga Filipino seafarer.
Sa kanyang pag-iikot, sinuri rin nito ang daloy ng mga transaksyon at paghahatid ng serbisyo ng mga tauhan upang matukoy ang mga prosesong maaari pang mapabilis at mapahusay.
Binigyang-diin ni Lacanilao na mahalaga ang maayos at mabilis na frontline services ng MARINA para sa libu-libong Pilipinong marino na nangangailangan ng mga dokumento at iba pang serbisyo upang makapagtrabaho sa lokal at international maritime industry.
Pormal na nanumpa si Lacanilao bilang bagong MARINA Administrator noong November 25, 2026. | ulat ni DK Zarate