Hinimok ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez ang mga kontraktor at negosyante na huwag suhulan o hikayatin ang mga government official sa katiwalian.
Batid ng kalihim na may ilang tauhan ng DPWH na maaaring matuksong tumanggap ng suhol o makisangkot sa illegal na gawain, subalit kailangan aniya ang pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor para labanan ang katiwalian.
Sa kabilang dako, hinimok ni Lopez ang mga kontraktor na isumbong ang sinumang DPWH personnel na magtatangkang tumanggap ng suhol.
Samantala, plano ng kalihim na sibakin ang 10 DPWH project engineers sa susunod na linggo dahil nabigo umanong bantayan ang infrastructure projects.
Naatasan ang mga ito na inspeksyunin ang mga proyekto at magsumite ng actual, geotagged photographs para maberepika ang kanilang progress, subalit nabatid na peke ang ilan sa mga isinumiteng larawan.