Planong pag-aralan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang supply ng public transportation para tiyaking sasapat sa dami ng mga taong bibiyahe ngayong Kapaskuhan.
Pupulungin ng kalihim ang mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), gayundin ang kinatawan ng public utility vehicle cooperatives, operators, bus companies, motorcycle taxi operators, at transport network vehicle services.
Aalamin kung sapat ang kasalukuyang bilang ng public utility vehicles para silbihan ang mga komyuter.
Babala ni Dizon, ang hindi balanseng supply ng mga sasakyan at commuter demand ay maaaring magbukas ng pagkakataon para sa katiwalian, partikular ang pag-isyu ng special permit at prangkisa.
Tinitingnan ng kalihim na tugunan ang supply-demand gap bago mag Christmas rush habang makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at stakeholders sa ilalim ng transportation department.