Gaya ng dati ay magiging abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng Huwebes.
Alas-10:30 ngayong umaga ang unang Presidential activity ng Punong Ehekutibo kung saan pangungunahan nito ang opening ceremony ng Mandarin Oriental sa lungsod ng Makati kasama si First Lady Liza Marcos.
Alas-2 ng hapon ay balik ang Pangulo sa Palasyo para sa signing ceremony na may kinalaman sa partnership para sa pagtatanim ng 10 milyong puno ng niyog.
Bahagi ito ng mas malawak na programa ng administrasyon na magtanim ng 100 milyong puno ng niyog pagsapit ng 2028.
Kasunod nito, pangungunahan ng Pangulo ang panunumpa ng mga bagong talagang opisyal ng Supreme Court at Office of the Ombudsman.
Alas-6 ng gabi ay may aktibidad pa din ang Punong Ehekutibo kung saan ay makikibahagi ito sa boodle fight kasama ang Armed Forces of the Philippines Council of Sergeants sa Kampo Aguinaldo.
Isa itong pagkakataon para makasalo at makasalamuha ng Pangulo ang mga non-commissioned officers at enlisted personnel ng Sandatahang Lakas.