Muling pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paninindigan nito sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas at sa pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng AFP na malaya ang Pilipinas, bilang isang sovereign na bansa, na makipagtulungan sa depensa at seguridad sa mga bansang kapareho nito ng paninindigan.
Patunay raw ang mga kasunduang ito ng suporta ng mga partner sa lawful maritime rights, at sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.
Ayon pa sa AFP, nakaangkla ang pagpapalakas nito ng territorial defense at maritime security sa pangangalaga sa bansa at pagtataguyod ng rules-based international order.
Tiniyak ng AFP na patuloy na paiigtingin ang kakayahan nito, at palalalimin ang ugnayan sa mga ‘like-minded” na bansa para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.