Photo courtesy of NAPOLCOM
Pormal nang nai-turn over sa Manila Police District (MPD) ang dalawang sniper rifle na donasyon ng United Defense Manufacturing Incorporated (UDMI), isang local defense supplier.
Pinangunahan nina National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson Commissioner Rafael Vicente Calinisan at National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Chief Police Brigadier General Christopher Abrahano ang turnover at paglagda sa deed of donation.
Kabilang sa mga donasyon ang isang 7.62 caliber at isang 5.56 caliber sniper rifle para sa MPD Special Weapons and Tactics (SWAT) unit.
Ayon kay Calinisan, bibili na sana siya ng isang sniper rifle nang malaman ang pangangailangan ng MPD SWAT.
Gayunman, sa halip na magpabayad, nag-alok ang UDMI na magbigay ng dalawang sniper rifle nang libre.
Nagpasalamat naman ang MPD sa donasyon kasabay ng pagtitiyak sa responsableng pangangalaga at paggamit ng mga armas, na isinasaalang-alang ang seguridad at kaligtasan ng publiko at paggalang sa karapatang pantao.