Photo courtesy of NAPOLCOM
Tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na tututukan nito ang mga insidente ng maling paggamit ng uniporme at kagamitan ng Philippine National Police (PNP).
Sa kanyang mensahe sa ceremonial turnover ng mga sniper rifle sa Manila Police District (MPD), nagpahayag ng pagkadismaya si NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Commissioner Rafael Vicente Calinisan sa paggamit ng uniporme ng pulisya bilang costume ng ilang vloggers.
Tiniyak ni Calinisan na tutugunan ng komisyon ang mga naturang insidente.
Binigyang-diin din ni Calinisan na bukas ang kanyang tanggapan sa mga pulis na may reklamo o nangangailangan ng tulong, bilang bahagi ng pagsusulong ng kapakanan ng mga miyembro ng kapulisan at kanilang pamilya.