Nagbabala si Senadora Risa Hontiveros na hindi sapat ang panukalang 2027 budget ng Department of Environment and Natural Resources o DENR para matugunan ang banta ng Super El Niño at matiyak ang suplay ng malinis na tubig sa mga kabahayan.
Sa plenary deliberations, sinabi ni Hontiveros na nadagdagan ng P336 million ang pondo ng DENR sa bersyon ng Senado kumpara sa panukala ng Kamara, kung saan kalahati ng dagdag-pondo ay inilaan sa mga ahensyang nangangasiwa sa suplay ng tubig.
Kabilang dito ang P183 million subsidy sa ilalim ng Local Water Utilities Administration (LWUA) para sa mga local water district.
Gayunman, tinatayang 5,727 kabahayan lang ang makikinabang dito, mula sa target na 3.26 million.
May dagdag-pondo rin para sa water resource management, flood prevention, monitoring ng mga landfill at pag-iwas sa sunog sa kagubatan.
Sa kabila nito, iginiit ni Hontiveros na kailangang dagdagan pa ang pondo para sa paghahanda sa matinding tagtuyot, climate change at iba pang banta sa kapaligiran.
Sa ngayon ay lusot na plenaryo ng senado ang budegt ng DENR at nakatakda nang sumailalim sa period of ammendments. | ulat ni Nimfa Asuncion