Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpapabilis sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Ayon kay Angara, paiigtingin ng Department of Education ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, Department of Public Works and Highways at pribadong sektor.
Kabilang sa mga hakbang ang paggamit ng mga prefabricated classroom upang mapabilis ang pagtatayo ng mga pasilidad.
Sa ilalim ng 2026 budget, naglaan ang DepEd ng P58.43-billion para sa pagpapatayo ng 16, 498 na silid-aralan, katuwang ang mga LGU at DPWH.
Bumibili at umuupa rin ang ahensya ng mga nakahanda nang gusali upang magamit agad bilang silid-aralan habang nagpapatuloy ang mga proyekto.
Batay sa datos ng DepEd,tinatayang nasa 141,000 ang kakulangan sa mga pampublikong silid-aralan sa bansa hanggang Nobyembre 2026.