Photo courtesy of Malabon LGU
Maahigit isang libong punla ng bakawan ang naitanim na sa Megadike sa Barangay Dampalit, Malabon.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan para sa pangangalaga sa baybayin.
Pinakahuli rito ang pagtatanim ng karagdagang 200 punla kahapon Nobyembre 27, sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval.
Nakiisa sa aktibidad ang Kabataang LODI, Rotary Club of Iron Wheels, mga residente, mga nagwagi sa Ginoo at Binibining Malabon 2026, at mga kinatawan ng Netherlands.
Ayon kay Sandoval, tinatayang 60 % ng mga naitanim na bakawan ang nabubuhay at patuloy na minomonitor buwan-buwan.
Mahalaga ang mga bakawan bilang tirahan ng mga isda, pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at likas na panangga laban sa daluyong ng dagat.