Nangako si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na tutulong siya sa pagtugon sa mga pangangailangan sa kaunlaran ng Zamboanga Sibugay.
Kasabay nito, tiniyak niyang personal niyang idudulog kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga prayoridad ng lalawigan sa kalusugan at edukasyon, at makikipagtulungan sa mga lokal na opisyal upang mapabuti ang transportasyon sa lugar.
Sa kanyang talumpati sa LegisHear town hall meeting na ginanap sa Provincial Capitol Grounds sa Ipil, sinabi ng House leader na ipinaabot na sa kanya ni Gov. Dulce Ann Hofer at ng mga kinatawan ng lalawigan sa Kongreso ang mga suliranin at pangangailangan.
Pangako ni Dy, ibubulong niya sa pangulo ang kinakailangang eskwelahan at ospital sa nakatakdang pulong niya sa nalacanang.
Ang konsultasyon sa Zamboanga Sibugay ay bahagi ng LegisHear: Bawat Batas Mahalaga, isang inisyatiba ng Kamara na direktang nagdadala ng mga konsultasyon sa paggawa ng batas at mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga lokal na komunidad.