Umakyat na sa 98.10 percent ang mga nabuksang clustered precincts para sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections ngayong umaga.
Batay sa monitoring ng Commission on Elections o COMELEC alas-7:49 ng umaga, 5,113 sa kabuuang 5,212 clustered precincts ang nakapagbukas na.
Nasa 100 percent na ang pagbubukas ng mga presinto sa Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Special Geographic Area at Tawi-Tawi.
Sa Basilan, 435 sa 534 clustered precincts o 81.46 percent pa lamang ang bukas.
Wala pa namang binibigay na dahilan ang komisyon kung bakit delayed ang opening ng halos isdandaang presinto sa Basilan. | ulat ni Lorenz Tanjoco