Nananatiling maayos at kontrolado ng mga awtoridad ang sitwasyon ng BARMM Parliamentary Elections na kasalukuyang nagpapatuloy sa lungsod ng Lamitan, Basilan.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Zamboanga kay Lamitan City Chief of Police, PLTCOL Janz Vladimir Hilarion, mapayapa ang eleksyon sa lungsod sa pakikipagtulungan ng kapulisan at militar sa gitna ng ilang naitalang kaganapan sa lalawigan.
Aniya, nagsagawa ng controlled detonation ang mga awtoridad matapos marekober ang isang IED sa Brgy. Balobo batay sa impormasyong nakalap mula sa isang anonymous informant.
Naniniwala naman si PLTCOL Hilarion na nananatiling ligtas ang lungsod at patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad upang masiguro ang maayos at kredibleng halalan sa Basilan.