Iginagalang ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ang ibinabang desisyon ng Sandiganbayan na mailipat na siya sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas mula sa pagkaka-confine sa Carinal Santos Medical Center.
Gayunman, nananatili at hindi aniya nagbabago ang kaniyang paninindigan na kaniyang haharapin ang mga kaso at sasagutin ang mga ito sa angkop na korte.
Pinanindigan din niya na siya ay inosente.
Pinasalamatan naman niya ang kaniyang mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center at ang mga doktor ng Philippine General Hospital sa kanilang pag-aalaga at professional judgement.
Aminado ang mambabatas na mabigat na hamon ito sa kaniya at kaniyang pamilya.
Ngunit haharapin aniya ito na may dignidad, pananalig sa Diyos, at tiwala sa katotohanan.