Isinagawa ngayong umaga sa Lungsod ng Pasay ang Bawat Bayan Makikinabang program hatid ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga.
Hatid ng nasabing program ay ang iba’t ibang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH), Social Security System (SSS), PAGIBIG, Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at legal assistance mula sa Department of Justice (DOJ), at ng lungsod ng Pasay sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto Rubiano.
Bahagi rin ng programa ang pamahagi ng 10 kilong libreng bigas hatid ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Nagpasalamat naman si Mayor Emi sa hatid na tulong mula sa Pangulo.

