Tiniyak ng Department of Energy, (DOE), kasama ang Commission on Elections (COMELEC) at mga stakeholder sa enerhiya, ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente para sa BARMM Parliamentary Elections.
Ayon sa DOE, hanggang alas-sais ng umaga ngayong September 14, walang voting precinct ang naapektuhan ng pagkawala ng kuryente.
Nananatiling normal ang status ng Mindanao Grid at sapat din ang suplay ng fuel.
Patuloy namang nakaantabay ang DOE at Energy Family para matiyak ang matatag at maaasahang suplay ng kuryente hanggang matapos ang halalan.