Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, PNP, at Philippine Coast Guard ang tinatayang anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱40.8 milyon sa buy-bust operation sa Taytay, Rizal.
Sa ulat ng PDEA, isinagawa ang operasyon kaninang 5:30 AM, September 14, sa Sitio Dulong Bangiad, Barangay San Juan.
Tatlong lalaki ang naaresto, kabilang ang dalawang construction worker na kinilalang sina alyas “Muhammad,” 31, at “Eddienel,” 43, at alyas “Diogen,” 32.
Isang suspek na si alyas “Abdila” ang nakatakas at patuloy na pinaghahanap.
Bukod sa shabu, nakumpiska rin ang isang M1 carbine, isang M16 rifle, apat na kalibre .45 na baril, mga magazine, digital weighing scale, cellphone, at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Firearms and Ammunition Regulation Act.