Inaasahang darating ngayong araw ang replacement ballots para sa Maluso, Basilan, ayon sa COMELEC.
3:00 hanggang 4:00 PM ang expected arrival ng mga bagong imprentang balota mula Manila patungo sa Maluso, Basilan.
Ayon kay Commission on Elections Chairperson George Erwin Garcia, kumpiyansa siyang aabot ngayong araw ang mga balota dahil madaling-araw pa lamang nang malaman nila na may nakompromisong mga balota, kaya nagpa-imprenta agad sila ng mga kapalit.
Matatandaang nabisto ng COMELEC na may pre-shaded na balota sa ilang presinto sa Maluso, Basilan.