Kinumpirma ng Commission on Elections o COMELEC na tukoy na nila ang mga sangkot sa natuklasang pre-shaded na balota sa Maluso, Basilan.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, alam na ng komisyon ang “detalye” ng insidente.
Pero sa ngayon, nakatutok pa aniya ang COMELEC sa pag-iimprenta ng mga bagong balota na manggagaling sa Maynila.
Dadalhin sa Maluso ang nasabing mga balota upang palitan ang mga nakompromisong balota at masimulan ang eleksyon.
Sa datos ng COMELEC, 36 sa 68 precincts ang nakitaan ng pre-shaded na balota, dahilan para ilagay sa COMELEC control ang lugar.
Babala naman ni Chairman Garcia, hindi patatawarin ng COMELEC ang mga ito, anuman ang kanilang posisyon o katungkulan.