Pasig River Ferry Service, balik na sa normal na operasyon ngayong araw -MMDA

Balik-operasyon na muli ngayong araw, Setyembre 2, ang Pasig River Ferry Service matapos suspendihin ng ilang araw dahil sa mga pag- ulan bunsod ng sama ng panahon. Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pinasimulan na kaninang alas-7:00 ng umaga ang unang biyahe ng ferry service. Ayon sa MMDA, lahat ng 13 istasyon nito… Continue reading Pasig River Ferry Service, balik na sa normal na operasyon ngayong araw -MMDA

Pinsala sa imprastraktura dulot ng bagyong Goring, higit P379-M ang halaga

Pumalo na sa P379.58 million ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura sa ilang rehiyon sa bansa na sinalanta ni bagyong Goring at habagat. Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, nasa P143.28 million ang pinsala sa mga national road, P13.44 million sa mga tulay, at P222.85 million sa flood… Continue reading Pinsala sa imprastraktura dulot ng bagyong Goring, higit P379-M ang halaga

Tubig baha sa Marikina River, unti-unti nang bumababa

Mula sa 15.3 meters na naitala bandang alas-9:00 kagabi, bumaba na sa 14.6 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River kaninang alas-6:00 ng umaga. Kasabay ng pagbaba ng tubig baha, inalis na rin sa first alarm ang alarma sa ilog. Sa ulat ng Rescue 161 ng Marikina LGU, wala nang naitalang mga pag-ulan sa… Continue reading Tubig baha sa Marikina River, unti-unti nang bumababa

Information campaign ng ibang mga ahensya ng gobyerno, itinutulak na unahing ipalabas sa government media stations

Hiniling ng Presidential Communications Office (PCO) sa Kamara na magkaroon ng special o general provisions sa 2024 General Appropriations Bill na mag-aatas sa mga ahensya ng pamahalaan na ipalabas ang kanilang information, education at communication campaign sa government media stations. Sa pagtalakay sa P1.7 billion budget ng PCO, sinabi ni Communications Sec. Cheloy Velicaria-Garafil na… Continue reading Information campaign ng ibang mga ahensya ng gobyerno, itinutulak na unahing ipalabas sa government media stations

DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas

Dahil sa malawakang pagbaha na nakakaapekto ngayon sa Western Visayas Region, iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang agarang pagpapadala ng 55,000 family food packs (FFPs) sa iba’t ibang warehouses sa Region 6. Partikular na inatasan ng kalihim ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na agad tapusin ang… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas

Davao City Police Office nagtala ng dalawang paglabag sa COMELEC gun ban sa ikalawang araw ng election period

Nagtala ng dalawang paglabag sa Commission on Elections (Comelec) Gun Ban ang Davao City Police Office (DCPO) sa ikalawang araw (Agosto 29, 2023) ng pagpapatupad nito sa Davao City. Sa report ng DCPO, unang naaresto si Christopher Hintonoro, 34 anyos na residente ng Barangay Talomo River, Calinan District. Base sa imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng gabi… Continue reading Davao City Police Office nagtala ng dalawang paglabag sa COMELEC gun ban sa ikalawang araw ng election period

Natagpuang bangkay sa Amulung, Cagayan, nakuha na ng kaniyang pamilya

Nakilala na ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa Ilog-Cagayan sa bahagi ng steel bridge sa Amulung, Cagayan kaninang umaga. Ayon kay PCpl. Julieto Mora, imbestigador ng Amulung Police Station, kinumpirma mismo ng asawa ng biktima na ang narekober na bangkay ay si Leomar Fenix, 35 taong gulang, na taga-Sta. Isabel Sur, sa siyudad ng… Continue reading Natagpuang bangkay sa Amulung, Cagayan, nakuha na ng kaniyang pamilya

Kamara pinagtibay ang resolusyon ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Secretary Ople

Pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pagdadalamhati at pakikiramay sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Maria Susana “Toots” Ople. Salig sa House Resolution 1226, kinilala ang mga nagawa ni Ople na siyang pangulo at founder ng Blas F. Ople Policy Center and Training Center, isang non-profit organization na nagtataguyod… Continue reading Kamara pinagtibay ang resolusyon ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Secretary Ople

Isang lalaki, arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Pasig City

Isang lalaki ang arestado ng mga tauhan ng Pasig City Police Station sa paglabag sa Commission on Elections o Comelec checkpoint sa Barangay Bagong-Ilog, Pasig City. Kinilala ang suspek na si Shem Ismael, 25 taong gulang na residente ng Barangay San Joaquin, Pasig City. Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-12:50 kaninang hapon dumaan sa… Continue reading Isang lalaki, arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Pasig City

Klase sa lahat ng antas sa Guimaras kanselado

Nagdeklara ng cancellation of classes ang lokal na pamahalaan ng Guimaras sa lahat ng antas bukas, Martes, Agosto 29, 2023. Sa Facebook post ni Acting Governor John Edward Gando, ang kanselasyon ay inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council. Bukod sa rekomendasyon ng PDRRMC, kumonsulta rin si Gando kay Governor JC Rahman Nava. Ito… Continue reading Klase sa lahat ng antas sa Guimaras kanselado