“Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” dry-run, inilunsad sa Biliran

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang dry-run ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Naval, Biliran. Sa naturang programa, pinagsama-sama sa iisang bubong ang may 50 programa at serbisyo na hatid ng 33 ahensya ng gobyerno. Ayon kay Romualdez ang dalawang araw na serbisyo fair sa Biliran ay tugon sa hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos… Continue reading “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” dry-run, inilunsad sa Biliran

DSWD CAR, mahigpit nang minomonitor ang galaw ni bagyong #GoringPH

Isina-aktibo na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office sa Cordillera Administrative Region ang kanilang Regional Operations Center bilang paghahanda sa bagyong #GoringPH. Sa pamamagitan nito masusubaybayan ang galaw at epekto ng bagyo sa rehiyon. Pagtitiyak ng DSWD na nakahanda na sila sa nakaambang epekto ng sama ng panahon. Nasa higit 29,000… Continue reading DSWD CAR, mahigpit nang minomonitor ang galaw ni bagyong #GoringPH

Mga LGU sa Cagayan Valley Region, pinaghahanda ng DILG sa bagyong #GoringPH

Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local chief executive sa Cagayan Valley Region at sa iba pang rehiyon na maging handa sa panananlasa ni bagyong #GoringPH. Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, kailangan na nilang magpatupad ng mga hakbang alinsunod sa Operation Listo disaster preparedness manual ng Departamento.… Continue reading Mga LGU sa Cagayan Valley Region, pinaghahanda ng DILG sa bagyong #GoringPH

Yellow Warning level, itinaas na sa Cagayan at Isabela dahil sa malakas na pag ulan dulot ni bagyong #GoringPH -PAGASA

Nakararanas na ng matinding pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa bagyong #GoringPH. Sa inilabas na Heavy Rainfall Warning ng PAGASA, itinaas na sa Yellow Warning Level ang Cagayan at Isabela. Dahil sa nararanasang malakas na ulan posible ang mga pagbaha at landslide sa mga flood at landslide-prone areas. Light to moderate rains… Continue reading Yellow Warning level, itinaas na sa Cagayan at Isabela dahil sa malakas na pag ulan dulot ni bagyong #GoringPH -PAGASA

25 government officials sa Metro Manila, may banta sa kanilang seguridad -NCRPO

May 25 government officials sa National Capital Region (NCR) ang nakararanas ng pagbabanta sa kanilang seguridad. Ayon ito sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), batay sa isinagawang threat assessment sa mga government officials sa buong Metro Manila. Sa isinagawang validation ng NCRPO Regional Intelligence Division, lumalabas na mayroong tatlong Kongresista, dalawang Alkalde, isang… Continue reading 25 government officials sa Metro Manila, may banta sa kanilang seguridad -NCRPO

Bulkang Mayon, nagparamdam pa ng mga volcanic earthquake at rockfall events

Hindi pa tumitigil sa pag-aalburoto ang bulkan Mayon sa lalawigan ng Albay. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagparamdam pa ng 21 volcanic earthquake ang bulkan sa nakalipas na 24 oras. Kabilang dito ang 10 volcanic tremors na tumagal ng 3 hanggang 36 minuto. May naitala ring 186 rockfall events at… Continue reading Bulkang Mayon, nagparamdam pa ng mga volcanic earthquake at rockfall events

Mga distressed OFWs na dumating mula Kuwait, tutulungan ng OWWA

Dumating na sa bansa ang 50 pinauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Kuwait. Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang mga distressed OFWs ay lulan ng Flight GF154 ng dumating sa NAIA Terminal 3. Pagdating sa airport, agad silang inasikaao ng OWWA, binigyan ang ito ng food assistance, hotel accommodation at transportation… Continue reading Mga distressed OFWs na dumating mula Kuwait, tutulungan ng OWWA

Pagproseso ng AICS sa Central at NCR offices, ipagpapatuloy sa Agosto 29 -DSWD

Ipagpapatuloy na sa Martes, Agosto 29 ang pagproseso ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office at sa National Capital Region. Sinuspinde ng DSWD ang pagtanggap ng mga request noong Agosto 25 hanggang 28 para sa pagproseso gayundin ang payout para sa AICS. Dahil ito… Continue reading Pagproseso ng AICS sa Central at NCR offices, ipagpapatuloy sa Agosto 29 -DSWD

Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan, kasalukuyang sarado sa publiko

Kasalukuyang sarado ang Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan sa lahat ng turista at bisita dahil kasalukuyan itong nakararanas ng above normal na lebel ng tubig, malakas na water current at maputik na kondisyon ng tubig sa talon. Humingi naman ng paumanhin ang Bolinao Tourism Office sa anumang abala na dulot ng pagsasara at taos-pusong nagpapasalamat… Continue reading Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan, kasalukuyang sarado sa publiko

Tahimik at maayos na BSKE 2023, pinaghahandaan na ng Quezon Police Provincial Office

Inactivate na ng Quezon Police Provincial Office ang Quezon Provincial Joint Security Control Center bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Election 2023. Ang Quezon PJSCC ay binubuo ng ibat-ibang ahensya katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Dahil dito, asahan na ang ibayong paghihigpit ng pulisya… Continue reading Tahimik at maayos na BSKE 2023, pinaghahandaan na ng Quezon Police Provincial Office