DOLE, may paalala sa mga employer hinggil sa holiday pay rules para sa Agosto 21 at 28

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa tamang pasweldo sa kanilang mga empleyado para sa mga petsang Agosto 21 at 28. Ito ang inihayag ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma makaraang ipalabas nito ang Labor Advisory no. 17 series of 2023 kasabay ng paggunita sa Ninoy Aquino Day gayundin sa… Continue reading DOLE, may paalala sa mga employer hinggil sa holiday pay rules para sa Agosto 21 at 28

DSWD, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU na naapektuhan ng oil spill sa Mindoro

Nananatili pa rin ang malakas na koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government unit sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, patuloy ang ugnayan nito sa provincial government para sa iba pang posibleng pamamagitang kailangan ng mga LGU. Ito’y bagama’t pinayagan nang… Continue reading DSWD, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU na naapektuhan ng oil spill sa Mindoro

Bulacan State University College of Medicine, hindi pa maaaring tumanggap ng mga estudyante ngayong unang semestre ng SY 2023-2024 -CHED

Tinawag ng Commission on Higher Education (CHED) na misleading ang napaulat na tumatanggap na ng mga estudyante para sa Doctor of Medicine program ang Bulacan State University. Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na walang CHED-approved Doctor of Medicine program ang unibersidad kaya hindi pa ito maaaring tumanggap ng mga… Continue reading Bulacan State University College of Medicine, hindi pa maaaring tumanggap ng mga estudyante ngayong unang semestre ng SY 2023-2024 -CHED

Pinsala sa nangyaring sunog sa Colegio De Sta. Rita sa San Carlos City, Negros Occidental umabot sa P18 milyon

Umabot sa P18 milyong ang naitalang pinsala sa sunog na nangyari sa Colegio De Sta. Rita sa San Carlos City, Negros Occidental, pasado alas-7:00 kagabi. Ayon kay Fire Chief Inspector Rufino Tañedo, City Fire Marshall ng San Carlos City, umabot sa 3rd alarm ang sunog kung saan 11 fire trucks sa Negros Occidental pati sa… Continue reading Pinsala sa nangyaring sunog sa Colegio De Sta. Rita sa San Carlos City, Negros Occidental umabot sa P18 milyon

Kabataang Pilipino, tututukan sa Media and Information Literacy Campaign ng PCO

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Presidential Communications Office (PCO) at sa iba pang tanggapan ng pamahalaan, ang mga kabataang Pilipino sa paggulong ng Media and Information Literacy Campaign ng ng gobyerno. Ito ayon sa Pangulo ay dahil ang mga kabataan ang pinaka-expose sa social media at sa internet kung saan kumakalat ang… Continue reading Kabataang Pilipino, tututukan sa Media and Information Literacy Campaign ng PCO

Mga programa ng Marcos admin laban sa fake news, ibababa sa mga komunidad at paaralan

Pirmado na ang memorandum of understanding (MOU) at nailunsad na rin ang Media and Information Literacy Campaign ng Presidential Communications Office (PCO), na layong palakasin ang kakayahan ng mga Pilipinong tukuyin kung ano ang totoo sa pekeng balita. Sa kaganapan ngayong hapon na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni PCO Secretary Cheloy… Continue reading Mga programa ng Marcos admin laban sa fake news, ibababa sa mga komunidad at paaralan

7 sugatan matapos maaksidente ng rumaragasang trak ng bumbero sa Tondo, Maynila

Kasalukuyang ginagamot na sa iba’t ibang ospital ang 7 indibidwal matapos masagasaan ng rumaragasang trak ng isang fire volunteer. Kabilang ito sa mga rumerespondeng bumbero habang nasusunog ang isang residential / commercial building sa kalye ng Ilaya sa Tondo, Maynila kaninang hapon. Batay sa impormasyon mula sa Manila Police District Station 2 mula sa 7… Continue reading 7 sugatan matapos maaksidente ng rumaragasang trak ng bumbero sa Tondo, Maynila

DOH, nangakong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng specialty healthcare service sa lahat ng rehiyon

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang pagpapasinaya sa Amai Pakpak Medical Center Heart Institute sa Marawi City. Dumalo bilang panauhing pandangal si DOH Undersecretary Abdullah Dumama Jr. na kumatawan naman kay Health Sec. Teodoro Herbosa. Sinundan naman ito ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Amai Pakpak Medical Center at Philippine Heart… Continue reading DOH, nangakong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng specialty healthcare service sa lahat ng rehiyon

Panukalang ipangalan kay dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada sa Quezon City, aprubado na sa Senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tutol at walang abstention, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR road sa Quezon City bilang Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue (House Bill 7413). Present sa Senado para saksihan ang pag-apruba sa third and final reading… Continue reading Panukalang ipangalan kay dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada sa Quezon City, aprubado na sa Senado

Project TRANSFORM, ilulunsad sa Abucay, Bataan ng DENR

Ilulunsad na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilient and Sustainable Communities through Multistakeholder Engagement) sa Abucay, Bataan. Layon nitong gawing simple ang mga climate change efforts ng pamahalaan. Ang Project TRANSFORM ay ang pagsasama-sama ng best practices ng LGUs, private sectors sa paghahatid ng inclusive, science-based,… Continue reading Project TRANSFORM, ilulunsad sa Abucay, Bataan ng DENR