Isang US fugitive, naaresto ng BI sa Maynila

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted sa kanyang sariling bansa dahil sa military desertion. Sa ulat ng BI, nahuli si Johnmark Katipunan Tandoc, 32 anyos sa kahabaan ng Roxas Boulevard nitong Agosto 7. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, si Tandoc ay sasailalim sa summary deportation order matapos matukoy… Continue reading Isang US fugitive, naaresto ng BI sa Maynila

Japanese company, inilunsad ang isang AI-powered disaster management tool sa Pilipinas

Ipinakilala ng isang Japanese start-up company ang isang disaster management tool na makatutulong sa disaster management at mas mabilis na news gathering ng media organizations. Ang nasabing teknolohiya ay inilunsad sa ilalim ng Public-Private Partnership promotion program ng Japan International Cooperation Agency o JICA. Ayon kay JICA Chief Representative Takema Sakamoto, makikinabang ang mga Pilipino… Continue reading Japanese company, inilunsad ang isang AI-powered disaster management tool sa Pilipinas

Mga luma at maliliit na tubo sa Pasay City, papalitan na ng Maynilad

Mahigit 22 kilometrong luma at undersized pipes sa Pasay City ang papalitan na ng Maynilad Water Services Inc. Ito’y upang mas matugunan ang supply requirement ng populasyon sa lugar, na tumaas nang lampas sa kasalukuyang kapasidad ng distribution system. Sakop ng P362-million pipe replacement project ang 29 na barangay sa mga lugar ng Malibay, Maricaban,… Continue reading Mga luma at maliliit na tubo sa Pasay City, papalitan na ng Maynilad

Valenzuela LGU, magpapadala ng tulong sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon

Magpapaabot na rin ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon. Ayon sa LGU, magdo-donate ito ng P13,450,000 sa anyo ng cash at in-kind sa piling lalawigan, siyudad at munisipalidad. Kabilang sa mga lugar na mabibigyan ng tulong ang Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur,… Continue reading Valenzuela LGU, magpapadala ng tulong sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon

500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

May 500 dating violent extremists o combatants sa Sulo ang binigyan ng socio-economic aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mismong si DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay, ang nanguna sa pamamahagi ng cash assistance at welfare goods sa  isinagawang Peace Caravan sa Maimbung, Jolo. Sila ang mga dating… Continue reading 500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, nadagdagan pa

Nasa sampu (10) na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Sa tala ng Quezon City Epidemiology Disease and Surviellance Unit, apat (4) sa mga namatay ay mula sa barangay Sauyo, Culiat, Pasong Tamo at Talipapa sa District 6. Tatlo (3) naman sa District 2, dalawa (2) sa barangay Batasan at isa (1)… Continue reading Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, nadagdagan pa

Health Caravan ng Philippine Red Cross, umarangkada sa Capiz

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan ng Philippine Red Cross sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dumayo ang mga volunteer at kawani ng PRC Capiz Chapter sa munisipalidad ng Dumarao upang maghatid ng iba’t ibang serbisyo sa komunidad. Nasa 349 na residente ng Dumarao ang nabigyan ng libreng health consultations, dental services at… Continue reading Health Caravan ng Philippine Red Cross, umarangkada sa Capiz

Central Luzon flood basin, dredging at desilting sa mga ilog, solusyon sa pagbaha sa Central Luzon ayon sa DPWH

Umaasa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na makakatulong ang Central Luzon Flood Basin Project sa pagtugon ng pagbaha sa Bulacan at iba pang mga bahagi ng Central Luzon gaya ng naransan nang dumaan ang bagyong Egay, Falcon na sinabayan pa ng habagat. Ayon kay Bonoan, nasa 400 meter-wide ang gagwing… Continue reading Central Luzon flood basin, dredging at desilting sa mga ilog, solusyon sa pagbaha sa Central Luzon ayon sa DPWH

MMDA, tumulong sa paglilinis ng iba’t ibang paaralan sa Metro Manila bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2023

Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2023 sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Metro Manila ngayong araw. Layon nitong matiyak na malinis at ligtas ang mga estudyante sa kanilang pagbabalik sa paraalan ngayong buwan. Kaugnay nito ay winalis ng mga kawani ng MMDA ang loob at paligid ng… Continue reading MMDA, tumulong sa paglilinis ng iba’t ibang paaralan sa Metro Manila bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2023

Kapitan ng lumubog na bangka sa Binangonan, umamin na sinuhulan ang Philippine Coast Guard para makapaglayag; kapitan, hindi rin lisensyadong magpatakbo ng motorbanca

Umamin ang kapitan ng tumaob na MB Aya Express na nagbigay siya ng ‘pampangiti’ o suhol sa tauhan ng Philippine Coast Guard para payagang makapaglayag ang MB Princess Aya noong July 27. Sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagtaob ng naturang motorbanca na ikinasawi ng 27 na katao, sinabi ng kapitan ng bangka na si… Continue reading Kapitan ng lumubog na bangka sa Binangonan, umamin na sinuhulan ang Philippine Coast Guard para makapaglayag; kapitan, hindi rin lisensyadong magpatakbo ng motorbanca